pagpapatawad

October 17, 2006 at 10:06 am | Posted in Regret | Leave a comment

Kung madali lang sana ang kalimutan na ang nagdaan.  Marahil dapat ko ngang matutunan kung paanong tumingin sa hinaharap imbis na lumingon pa din paminsan-minsan.

Dahil minsan na niya akong sinaktan.

Kahit bahagi pa din siya ng buhay ko, may parte pa din ng aking saloobin ang lagi at laging aalala na minsan na niya akong pinagmukhang tanga, binalewala, nilampasan.

Kahit di putol ang ugnayan, at kahit nakakangiti kapag kasama siya, nandito pa din ang pasubaling “‘huwag, huwag kang papayag.”

Kahit lagi at lagi kong iisipin ang kaniyang kapakanan, nandito pa din ang takot, “minsan mo na yang pinagdaanan, lampasan mo na.”

Kahit muli at muli kong sasabihing gusto ko siya, ang mas mahalaga ay masagot ng tama ang tanong “kailangan ko ba siya?”

Nagbabago ba ang tao?

At kung sa kaniya ma’y mayroong nagbago, susugal ba ako? Paano iigpawan ang imbot gayong di man lang ito nasabi kailanman?

Paano bibigyan ng kapatawaran ang isang taong di naman ito hinihingi?

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: