minsan may hindi tayo nakikita…pero andyan lang sa paligid

December 28, 2005 at 3:44 pm | Posted in Uncategorized | 6 Comments

Song of the Moment: A Little Bit, MYMP
To Do (tasks, not people): smoke, lamig sa net cafe brrrr
Current State: thankful
~~~~~~~~~~

noon sabi ko dapat mahalin ko muna ang sarili ko bago ako mahalin ng iba. pero ang kaso, may iba palang klase ng pag-ibig na ni minsan hindi ko kinilala at mukhang di ko napahalagahan.

lagi na lang si ganito o si ganun, gago, tanga, makasarili — kasi iniwan ako o kaya hindi na nagpakita o kaya iba ang gusto. pero paglipas ng panahon, pagdating ng araw na ni hindi ko na nga matandaan ang mga pangalan ng mga lalaking ito, sino ba ang naiiwan sa tabi ko?

ala mo na kung sino yun. kasi ikaw yun. kaibigan, kasama. di man tayo nagse-sex, alam ko mahal mo ko. at mahal kita. ang mga lalaki, pag pagpaparaos lang ang hanap, madaling makita. mag-chat ka lang. pero kung totoong usapan ang gusto ko, andyan ka.

pag di ko maipaliwanag ang mga bagay-bagay, may silbi ang pananaw mo. at kung ikaw ang ngarag, ako naman ang babalanse sa yo. kasi ang relasyon natin hindi naka-depende sa bilangan ng pabor.

kahit ang pangalan mo ay princess. o kaya ay nina. o kaya ay eileen. o kaya ay marylou. o kaya ay tony. o kaya ay iona. o kaya ay jae. o kaya ay marnie. o kaya ay tune, hazel, paula o (sige na nga) joey (hehe). kahit di tayo lagi nagkikita, dahil ikaw si cha. o si jodie. pero pag ikaw ang kaharap ko, wala akong pader. at ikaw ang gumagawa nun sa akin. daig mo pa ang mga lalaking nananahan sa mga pantasya ko.

kahit di pa tayo ganun ka-close kasi sa blog lang tayo madalas nagkakausap, salamat pa din kasi naibabahagi ko ang mga naiisip ko sa yo. ikaw na paminsan-minsan dumadalaw dito, sana kahit di mo alam ang birthday ko, naiintindihan mo kung bakit ako panatiko sa horoscopes. kasi fun sha, di ba? ๐Ÿ˜›

ikaw na ka-yosi ko sa opisina, pag sa panahong gusto ko nang saksakin si you-know-who (hindi si etta! lab ko yun!) kinakalma mo ko. sa panahong nanghihina o kaya ay nabubuwisit sa pulitika, ipinapakita mo sa kin kung bakit ako nandito. (at hindi dahil walang ibang tatanggap sa akin — yata). dahil dito nakahanap ng tahanan ang mga paniniwala ko. sana lang kalmado din ang bulsa ko. hehe asa pa? basta, hindi na ko magkakalat sa sarili kong bakuran, pwamish.

may nagmamahal sa akin. hindi ko lang pinapansin. para tuloy akong walang utang na loob. eh kasi kung wala kayo, sang letseng kangkungan na kaya ako pupulutin? kaya next year, samahan nyo ko. kasi may mga bagong hamon na gusto kong subukan. pag natalo eh di oks lang. kape tayo. saka tayo mag-boy watching. after all, yun lang naman yata ang silbi ng lalaki sa buhay eh. palamuti sa mata.

Advertisements

6 Comments »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. omg, im so touched! at totoo, mahal nga kita.

    totoo rin na eye candy lang ang mga boylets.

    category 1 kasi tayo! friends!

  2. category 1! sawnds eksloseb! kereh ate! ๐Ÿ˜€

  3. Naiyak ako. Bwiset ka. ๐Ÿ˜€

  4. vince, nag-doobie ka ba?

  5. seryoso,nag-doobie ka nga ba? wehehehe!

  6. oo! friends are so addictive eh! chinky.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: