Mendiola sinugod ng nakahubong out-of-school youths

June 2, 2005 at 1:17 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

“PANSAMANTALANG nawindang ang takbo ng buhay sa paanan ng tulay ng Mendiola sa University Belt Area sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga matapos sumugod dito ang tinatayang 15 “out of school youth” na pawang walang mga saplot sa katawan upang ilantad ang umano’y “kakulangan” ng suporta ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

Muntikang magkabanggaan ang mga pampasaherong jeep at iba pang sasakyan na tumatawid sa sangangdaan ng Mendiola, Legarda at Claro M. Recto Ave. nang sabay-sabay na inilantad ng mga aktibistang “maskulados” ang kanilang mga “jumbo at regular hotdog” na tinatakan ng slogan na “Edukasyon Para Sa Lahat!”

Maging ang mga tauhan ng Western Police District na nagbabantay sa tulay na tagos ng palasyo ng Malacañang ay na-bato-balani at nanigas sa kanilang kinatatayuan habang napatakip naman ng mata at napa-Ay ang mga coed ng Centro Escolar University at La Consolacion College na nagdaraan sa lugar. Sinukat naman ang mga nagpoprotestang aktibista ng malalagkit na tingin ng mga nagdadalagang-binata ng San Beda College.

Ayon kay Leonardo delos Reyes, ginamit lang nila ang kanilang mga katawan upang ipakita ang pagkukulang ng pamaha-laan sa mga kabataan.

Aniya, hindi umano binibigyan ng pamahalaan ng pagpapahalaga ang edukasyon kung kaya’t patuloy na dumarami ang mga out-of-school youth bukod sa patuloy na bumabagsak ang kalidad ng edukasyon.

Inulan naman ng kantiyaw ang mga hindi makapormang pulis kung kaya’t walang naaresto sa mga bagong pantasya ng Mendiola.”

update: one was arrested, the lookout who was fully clothed. teee-heee-heee. go, YS!

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: